Wednesday, April 8, 2009

After the Movie with DYOSA

So ayun, we went out of the Mall after the movie kasi halos nagsasarahan na ang mga shops.. We then decided to eat our dinner together.. Dun lang naman kami sa Nova Stop. Andoks. alam nyo namn siguro yun di ba?

Gusto ko sanang uminom ng marami with Dyosa kaso sabi nya wala daw sya sa mood uminom.. so lungkot-lungkutan ang lolo nyo.. pero ok lang.. ayoko namn syang pilitin kasi baka kung anu pa ang mapagdesisyunan naming gawin kapag nalasing kami... ahihihi.. and besides, may lakad pa din ako ng kinaumagahan and I have to wake up 7am.

So we ate our dinner and had a couple of San Mig Lights each.. parang wala lang.. parang nagsoft drinks lang kami.. but again consistent talaga si Dyosa sa pagiging masarap kausap. Ewan ko ba parang sa lahat ng mga nakakausap ko sa araw-araw e parang sa kanya lang ako nakikinig mula umpisa hanggang huli.. haaayy!! Oy teka, hindi ako inlove ha... hahahaha.. toinks!!

Meron akong tinanong sa kanya habang umiinom kami.. naglakas loob ako.. actually after the movie habang nakaupo pa kami at pinauunang lumabas ang mga kasabayan naming nanood, gusto ko na sanang itanong sa kanya.. kaso nagdecide nalang ako na wag na munang itanong.. hahanap nalng ako ng ibang tyempo. While drinking my beer, I finally decided to ask it to him... and this is what I asked.. "** ******, **** ** **?"... At ang Dyosa ay hindi nakasagot agad... at talagang hindi nya nasagot ang tanong ko.. natawa nlang ako.. Ang lumabas, ako na rin ang sumagot sa tanong ko... And we both agreed namn.. and it is a right decision..

Ayan, ubos na ang drinks namin.. nakakalungkot man pero kelangan na naming umuwi.. matagal nanaman kaming hindi magkikita.. kelan nanaman kaya ang susunod na adventure namin ni DYOSA? This weekend kaya or sa end of May?

Abangan ang susunod na pangyayari sa buhay namin ni.................. DYOSA....

Tuesday, April 7, 2009

1st date with DYOSA

After more than a month of constant texting and chatting with DYOSA, finally nagmeet kaming muli..

April 6 this year, I visited again my parents, syempre weekends as I always do visit them. I took the advantage of meeting him again, actually scheduled na talaga yun na magkita kami. nakakamiss kasi sya kausap.. hehehe..

Usapan naming magkita ng 5pm sa SM fairview kaso I went there 4pm plang not because im excited to see him but its a time for personal vanity. Unfortunately, walang nangyari dahil lahat ng puntahan ko e queuieng (tama ba ang spelling?) hehe.. excuse me..

So naglibot-libot nalng ako sa loob ng SM. Grabe laki na talaga ng pinagbago ng SM mas maganda na ngayon. I went to some shops to look for something to buy. Napunta ako sa Bench and bumili muna ako ng hair stick, the cashier seems to be not attentive sa ginagawa nya dahil nagtataka ako kung bakit sa liit ng binili ko e malaking bench plastic ang kinuha nya, yun pla may isinama syang shirt na hindi ko namn binili. akala nya sa akin daw yun. Sayang sa halagang 129 pesos e may magarang t-shirt na ako at hair stick.. pero syempre, honest human being namn ako so I told her that the shirt isnt mine.. So nagsorry ang bruha.. haha.. at napatawa. pero sayang din yun a.. ahihihi..

So lumabas na ako sa Bench at naglibot pa daming magagandang damit. I went upstairs to check on the time of the movie "knowing" and its 6:55pm.

It was past 5pm already and I understand kung bakit wala pa si DYOSA, umuulan namn kasi, so its ok naintindihan ko and besides he kindly texted me naman.. nakaramdam ako ng gutom, so I decided na kumain na muna sa Jollibee.. daming tao pero tolerable namn. past 530pm na at wala pa rin sya.. aba.. mejo hindi na ok sa akin yun.. sabi nya kasi patilain pa nya ang ulan dahil lang sa ayaw nya magdala ng payong.. akalain mo yun.. payong lang ang katapat ko.. huh!! hehehe.. so I told him na ill wait for him till 6:30pm lang or else uuwi na ako.. (nagbanta ba??.. peace, dyosa).. after that taning i gave him, in a few minutes namn nagtext na rin sya na paalis na daw ng bahay.. hahaha.. natakot ata..

After I eat nagpunta
I stop over Bench Body.. and bumili ako ng muscle shirt, this time ok namn yung nagassist sa akin. maganda at sexy. While inside the shop, He texted saying na nasa SM na sya.. bigla namn akong naexcite.. binayaran ko na agad yung binili ko and i texted back to tell him na nasa Bench body ako, after a few minutes dumating na sya..

Wearing clean white polo shirt and his favorite brown kulduroy shorts, he looks nice and clean. Unang banat ko nga sa kanya.. ang gwapo namn netong kasama ko.. napatawa ang loko.. hahaha..

So we den smoke outside first kasi 6:15 plang naman nun. after namin magsmoke ayun na umakyat na kami and bumili na ng ticket and pumasok na sa sinehan. Umupo kami sa taas, sa unang seat na inupuan namin e sobrang lamig.. so we decided na lumipat at dun kami sa mas pinakataas pa.. (aba..aba.. naguumpisa nang maglaro ang mga utak nang nagbabasa...). Ok na du sa pinuwestuhan namin.. the temperature was ok. I just dont know Dyosa's body temperature that time.. but I have an idea.. hahaha.. I wont elaborate what happend between us inside the movie house cuase its quite personal for the two of us.. but its not what you think.. hehehe..

The movie is ok.. we somehow enjoyed the story. But whats more ok inside the movie haws is being with him.. yung mga napagusapan namin at mga simpleng tawanan...

More to come... punta na muna ako ng GYM... ahihihihi.. happy reading...