Thursday, February 19, 2009

Ang Pagtatagpo namin ni DYOSA

It was the last week of January this year when my mother requested me to go home and visit them back to Novaliches QC for the celebration of her and my dad's wedding anniversary on January 31. I was so excited and cant wait for that day. I have two reasons to be so excited, first is, I missed my parents so much coz i havent been able to visit them for almost a year because of some issues between them and me, and the second reason is, it is the right time for me to finally meet DYOSA.

Evening of January 31 when I arrived at home in QC, tears fell down from my face while hugging my parents asking for forgiveness and without talking about what happened between all of us, we were all suddenly became ok and back to normal.

Afterwhich, I texted DYOSA informing him that I am already in Novaliches and will be going to SM Fairview by morning of Feb1. Akala ko nga hindi pa magtutugma ang schedule namin dahil ang sabi nya pwede bang hapon nalng daw ako magpunta dahil mag-general cleaning daw sya nang house nya in the morning. Alam nyo bang muntik nanaman akong magtampo nun? Kasi naman minsan na nga lang ako umuwi ng QC e hindi pa nya pagbibigyan ang oras na gusto kong magkita kami.. e ang magulong bahay naman hindi tatakbo, pwede nyang ayusin yun some other time. pero syempre naisip ko hindi naman ganun kalalim ang issue para magtampo nanaman ako sa kanya.. ayoko ngang mapariwara ulit.. hehehe.. somehow nagmatigas ako na we need to meet ng morning coz ill be at GYM by the afternoon. So he said hahabol daw sya. So I just cocluded that maybe this is not yet really the right time for us to meet, maybe next time nlang, nakaramdam ako ng konting panghihinayang pero ok lang ganun talaga e..

Suddenly, nung time na dapat e magpeprepare na ako going to SM to buy some stuff for myself and a gift for my parents anniversary e nakaramdam ako ng katamaran.. I just decided to go on GYM ng umaga and hapon nalng sa SM para hindi mainit. I did not inform him about the change on my plan kasi nga hopeless na ako, sabi ko nalang sa sarili ko, if he really wanted to meet me gagawa namn yun ng paraan para makita ako nang umaga sa oras na gusto kong magkita kami.

Surprisingly, while at the GYM, time na dapat e nasa SM na ako, he texted me asking kung nasa SM pa ako, then I told him the truth na hindi pa ako nagpupunta sa SM, inuna ko nlang muna ang GYM kasi malapit lang namn sa bahay at saka mainit, nakakatamad bumyahe. I then told him that I will be in SM by 4pm and hoping to meet him at Starbucks kung maabutan man nya ako sa SM.

Im done with my GYM by 3pm, took some rest at home and ate my merienda. 430pm when I arrived in SM. Grabe hindi ko inakalang ganun na kalaki ang SM from the last time na makita ko ito. yung dating gasoline station sa isang kanto at dating parking lot lang ay naging SM na din.. inenjoy ko muna ang paglilibot at marami akong nakitang mga bagong shop. nung nakaramdam na ako ng konting pagod I started to do my purpose sa pagpunta ko dun.

Two more stuff nalng ang natitira kong bibilhin and Im off to go home na from SM when DYOSA texted telling me na papunta na sya at malapit na sya. Ako naman, sa sobrang tuwa ay nataranta at hindi ko alam kung san na ako pupunta kung bibilhin ko ba muna yung natitira kong bibilhin o magpupunta na ako sa SB para hintayin na sya. Sa ugali kong ayaw ko nang may naghihintay e nagpunta na agad ako sa SB and waited for him, siguro mga 30mins yun, antagal din nun a from the time na sinabi nyang malapit na sya.. hmmm.. pasaway ito... hehehe.. Inisip ko nalang na kaya nya siguro sinabing malapit na sya e para wag na muna akong umuwi at hintayin ko sya para magkita na rin kami.. O di ba ang ganda nang naisip kong palusot at motivation sa sarili ko para maghintay ng ganun katagal... hehehe (peace DYOSA..)

Finally DYOSA arrived.. ang kaso ewan ko ba naman kung bakit ayaw magpunta sa table na nireserve ko for us. kesho daw saglit lang dahil nagyoyosi pa sya e samantalang nasa labas naman ako at nagyoyosi din habang nakaupo sa SB table... He then asked kung asan ako.. sabi ko I am outside sitting with the table wearing blue shirt (not sure) and black shorts and shoes, nagreply namn sya telling me what he is wearing.. wala naman akong makita. So I just waited na lumapit sya kasi mejo naaasar na ako nun. Then nagpakita na rin ang DYOSA.. Whew!! finally nagkita na kami.

Ewan ko kung anong meron kung bakit nawala yung kadaldalan ko nung makita na sya.. parang bigla akong natameme at nahiya and I think ganun din sya.. pareho kaming naiilang magsalita, idle moment ang nangingibabaw pero nung kinalaunan na e nakuha na namin ang kapalagayang loob sa isat-isa. tuloy-tuloy na ang kwentuhan namin hanggang sa kelangan nang magpaalam dahil ang nanay ko ay text na ng text at pinapauwi na ako dahil kailangan na nang kapatid ko yung pinabili nya..

I have seen what I have expected from DYOSA and will always be looking forward to see him again and ofcourse be with the other residents of ENKANTADYA..

SA IYO DYOSA SALAMAT SA PAGTANGGAP MO SA PAGKAKAIBIGAN NATIN. I SURELY WILL TREASURE THIS FRIENDSHIP THAT IS JUST STARTING TO GET DEEPER AND DEEPER AND DEEPER.........

Ang Unang Pagsubok with Dyosa

HinDi kalaunan, bilang isang mas batang kaibigan at may kahinaan ako ay nagtampo kay Dyosa.

Bakit?? Eto ang istorya....

Isang weekend, I asked him where will he be that weekend.. kung san ang gimik nya.. he told me magtitimog daw cla ng mga kasama nya sa ENKANTADYA. Ako naman, sa matinding pangarap na makita na sya, makilala at makasama ang mga kasamahan nya sa ENKANTADYA e umaasa akong iimbitahin nya. Unfortunately, he did not invite me na sumama sa kanila, so naghanap nalang ako ng ibang makakasama para gumimik dahil ang sa totoo sa timog ko din gustong gumimik at sumaktong sa timog sila gigimik. He then told me na kita-kitz nalng at text text nalng kapag andun na.. Dahil sa pagtatampo ko e tinamad na rin akong magpunta sa timog para gumimik dahil hindi ko naramdaman ang kagustuhan o pananabik ni Dyosa na makita at maipakilala ako sa mga kasamahan nya. I then decided to invite my friends to go to TAFT. While in Taft in the middle of my group's drinking and singing session he texted me asking where I am, I told him na nasa TAFT kami napadpad, (syempre dko sinabi sa kanya ang tunay na dahilan kung bakit sa TAFT nalang ako gumimik.. hihi..), but Still I am hoping na papuntahin pa rin nya ako doon to meet them. Kaso nanatili akong bigo.. So I then decided to delete his phone number and never ,contact him again.

Few Days after, siguro napansin nyang hindi na ako nagpaparamdam, he sent me a text message asking kamusta na ako.. but since I deleted his number i replied "Sino to"? So ang Dyosa ay nagulat dahil hindi ko sya kilala. Good thing, hindi sya yung tipo ng tao na kapag nakatanggap ng "hu u" message ay nagrereply ng "nevermind", instead he introduced himself. That time magkahalong hiya, tuwa at tampo ang naramdaman ko. Hiya kasi nagpakilala pa rin sya kahit hindi ko sya nakilala, tuwa dahil nagtxt sya at kinamusta ako (haha.. ang landi!), tampo kasi naalala ko ang ikinatampo ko. I told him kung bakit hindi ko na recognize kung sino yung nagtext sa akin, nagkapaliwanagan namn kami ng maayos hanggang sa naging ok na ulit kami and I stored is number once again.

Nung time na nagtampurorot ako sa kanya ay napariwara ako, nakipagmit ako sa isang taong nakikimessage sa thread na gawa ni Dyosa dun sa G4M. Yung taong iyon ay inakala kong ok ang looks. Hindi ko na idedetalye kung ano ang nangyari sa amin nung tao na yun because it is just a BIG REGRET and A "BIG bad JOKE" na nangyari sa buhay SILAHIS na meron ako. Sa aming dalawa nalang yun.. Pasensya na kayo readers.. ahihihihi...Ayoko na kasing maalala.

Then I truly realize how important DYOSA is in my life... He is indeed a big guidance councilor to me with regard to meeting people from G4M.

So ayun nga nagkaayos na ulit kami.

Wednesday, February 18, 2009

Sa wakas at naipasok ko na...

I've been hearing a lot from my friends about this so-called "BLOG".. Nung una hindi ko maintindihan kung ano ba talaga ito.. kung ano ang difference nitong site na ito sa mga naunang friendster, myspace, facebook, picasa, multiply at kung anu-ano pang nagkalat na friendly sites..

To be honest, I dont give much time to find out what this site is all about, as in, I dont care at all. Pero habang tumatagal ive been hearing a lot of stories, extraordinary stories na makikita at mababasa daw sa BLOG. Until now, I am not confident on how to control this Blog that I just created yesterday. Bahala na.. basta magta-type lang ako dito.. dko nga alam kung may makakabasa nito e.. hehe..

Anyways, I decided to create my own Blog because I was inspired by my new friend coming from G4M (sa mga hindi nakakaalam ng G4M, isa itong site para sa mga bakla at silahis).. Opo, tama po ang nababasa nyo.. Isa po akong silahis.. Silahis na hindi mo mapagiisipang silahis, dahil hindi ako halata. Ang tawag sa akin o sa mga taong tulad ko ay "DISCREET". Anyways, going back, napagawa ako ng BLOG dahil sa Isang bagong kaibigan na alam kong may kwentang tao, puno ng kabutihan sa puso at alam kong kaibigang magpapahalaga sa akin.. Tawagin na lamang natin sya sa pangalang "Dyosa".

Nakilala ko si Dyosa two or three months ago sa isang message thread na makikita sa forum ng G4M. At first I was hesitant to send him a private message coz he got no face pic at all on his profile.. Ayoko namang makipagusap sa taong walang ulo at muka.. but still, out of curiosity, I still sent him a message dahil interesado ako sa grupo nila na para lang sa mga Discreet na bisexuals, as in literal na DISCREET. Since taga QC naman si Dyosa at sa QC namn ang talagang tahanan ko, I decided to give it a shot.

Definitely, he was able to read my message and he politely replied. Our conversations started very nice. Masarap sya kausap sa chat ng G4M, may sense, that is. Somehow habang tumatagal ang usapan namin lalo akong nagkakainterest sa kanya.. At that moment, gusto ko nalng biglang mawala sa kinauupuan ko at bigla nlang magappear sa tabi nya para makita ko sya ng personal, ganun ako kaaliw na kausap sya.. hhehe.. As we go along the conversation, he asked me to go online with my YM for a faster communication and response sa paguusap namin. Syempre, dali-dali namn akong nagonline sa YM and if i remember it right I was the one who invited and added him to my messenger list. Our conversation continued until he asked for my picture.. I told him I wont coz he is going to break his rules to his group called ENKANTADYA... That no pictures should be shown thru CYBER CHATTING. Kaso eto namang si DYOSA e mukang nageenjoy din na kausap ako, at pursigidong humingi ng picture ko thru YM and added to it is my cell phone number. He said, he was the one who created the rule, so he can break his own rules.. funny it is.. pero sige, nagpaunlak namn ako sa kanya.. I sent my picture and he sent his..

When I saw his pic I was surprised (well not really that surprised) that he's got an age already, pero sa akin wlaa yun.. walang kaso yun.. mas gugustuhin ko pa nga talagang makipagkaibigan sa mga tulad nya kesa naman sa mga ka-age bracket ko na wala namn akong matututunan. After seeing his picture walang nabago sa naramdaman ko habang kausap ko palng sya without knowing how he look like. instead lalo pa akong nakaramdam ng pananabik na makita sya.

Unfortunately, I had to end the conversation dahil ata may pasok pa ako nang 2am sa isang prestihiyosong Call Center dito sa Pinas dito sa Makati kaya kelangan ko nang matulog. So I signed out sa YM and texted him gudnyt. So natulog ako nang may ngiti.. hehehe..

Welcome me to this World

good Luck..